Bakuna para sa mga sanggol

  1.jpg

Ano ano ang mga bakuna na dapat ibigay sa mga sanggol upang mabigyan sila ng proteksyon sa mga delikado at nakakahawang sakit?

Isa sa mga programa ng City Health Office (CHO) ay ang National Immunization Program kung saan ito ay nagkakaloob ng mga bakuna kagaya ng BCG laban sa tuberculosis, oral polio vaccine, measles containing vaccine 1 at measles containing vaccine 2 na hindi lamang proteksyon sa measles kundi sa mumps at rubella. Nagbibigay din ng Hepa B vaccine na dapat ibakuna sa sanggol sa loob ng 24 oras pagkapanganak nito.

Mayroon din ang CHO ng Pentavalent vaccine na kombinasyon ng limang magkakaibang bakuna sa isang vial at nagsisilbing proteksyon laban sa diphtheria, pertussis (whooping cought), tetanus, hepatitis B at Haemophilus influenza type B (Hib), isang bacteria na nagdudulot ng severe pneumonia, miningitis, at iba pang invasive diseases lalo na sa mga batang may edad na mababa sa limang taon.

Pinapayuhan na bigyan ng bakuna ang sanggol kapag umabot na siya ng walong linggo mula sa pagkapanganak. Pwede silang pabakunahan sa mga health centers sa barangay.

Samantala, iniulat ng CHO na may 3, 874 na sanggol ang fully immunized habang 38, 325 ang nabigyan ng mga nasabing bakuna mula Enero hanggang September 2018 . ( PIO Batangas City)