Dating Mayor Eddie Dimacuha at iba pa pinarangalan sa 12th anniversary ng CLB

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Pinarangalan ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) si Mayor Eddie B. Dimacuha at ang lahat ng nakatulong niya sa pagtatatag ng CLB noong 2006 sa isang Gala and Awards Night noong October 23, sa Convention Center. Ito ay bahagi pa rin ng 12th founding anniversary celebration ng kolehiyo.

Binigyan ng award ang mga naging miyembro ng Committee on Creation and Establishment of Colegio ng Lungsod ng Batangas na pinamunuan nina Atty. Narciso Macarandang bilang chairman at Atty. Teodulfo Deguito, vice-chairman nito, kabilang ang mga miyembro na sina Atty. Victor Reginald Dimacuha, Dr. Rosanna Barrion, Engr. Januario Godoy, Dr. Angelito Bagui, Atty. Edelwina Sabido, Idel Perez, Leticia Chua, Manolo Perlada, Ma. Elena Boongaling. Iginawad ang Posthumous award kina Benjamin Pargas at Luz Amparo.

Ang iba pang mga awardees ay ang mga naging kasapi ng 2006 Board of Trustees na pinamunuan ni dating Mayor Eddie Dimacuha bilang chairman at ang 2006 College Officers kung saan naging College Administrator si Atty. Deguito; College Secretary, Luz Amparo; Dean of Instruction, Dr. Lito Bagui; Program Head for Commerce, Maria Elena Boonggaling; Program Head for Education Dr. Feliciana Adarlo at ICT Program Head, Manolo Perlada.

Binigyang pagkilala rin ang mga 2006 city government officials kabilang na ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na siyang nag apruba ng pagtatag ng CLB. Kapwa ginawaran ng award sina Cong. Marvey Mariño na naging chairman ng Committee on Education ng Sangguniang Panlungsod noong 2007-2012 at Coun. Alyssa Cruz simula 2013 hanggang kasalukuyan.

Kinilala rin ang mga guro at non-teaching personnel na naglilingkod sa CLB ng 10 at higit pang taon.

Iginawad naman kay Mayor Eddie Dimacuha ang CLB Founding Father award na tinanggap nina Mayor Beverley Dimacuha, Cong. Marvey Mariño at Atty. RD Dimacuha.

Nagpasalamat si Mayor Beverley Dimacuha sa mga nakatulong ni dating Mayor Eddie Dimacuha sa pagbuo ng CLB, mga naging opisyal nito at kasalukuyang pamunuan, sa patuloy na pagtulong sa pagtupad ng pangarap ng kanilang ama, at pangarap rin ng mga estudyante na makapagtapos at magkaroon ng magandang buhay. “Nawa po’y patuloy na gabayan ninyo ang mga mag-aaral upang maging kapaki pakinabang na mamamayan ng lungsod at ng bayang ito,” hiling ni Mayor Dimacuha sa pamunuan at mga guro ng CLB. (PIO Batangas City)