REROUTING

  undas.jpg

Ipinagbibigay alam po sa lahat na magpapatupad ng re-routing sa ilang pangunahing daan ang Transportation Development Regulatory Office (TDRO) sa November 1 kaugnay ng paggunita ng Undas. Ang mga sasakyan patungong Bolbok cemetery at Mt Zion ay lalabas sa exit ng Mt Zion patungong Calicanto Crossing. Ipatutupad ang one-way traffic scheme simula national highway papasok ng mga nasabing sementeryo.

Ang mga sasakyan na papasok sa Eternal Gardens sa national highway ay gagamit ng exit gate na malapit sa cockpit arena bilang daanan palabas. Sarado ang kanto ng BIR Road para sa lahat ng uri ng sasakyan simula kanto ng national highway (ARCE) hanggang kanto ng P. Herrera St. Ipatutupad ang two-way traffic scheme simula kanto ng Red Cross hanggang Lyceum.

Ang lahat ng pampasaherong dyip ay kakanan sa Noble corner P. Canlapan Street.

Sarado ang kanto ng Mabini corner P. Canlapan para sa lahat ng uri ng sasakyan.

Ang Supreme Bus na patungo at galing Grand Terminal ay sa Star Toll Ibaan dadaan. Nanawagan po ang TDRO sa mga dadalaw sa libingan sa November 1 na bawasan ang pagdadala ng sasakyan upang maiwasan ang sobrang pagsisikip ng trapiko.

Ipinagbabawal din ang pagdadala ng anumang uri ng inumin na nakalalasing at mga bladed weapons o anumang bagay na makakasakit o makakamatay ng kapwa upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa loob ng sementeryo. (PIO Batangas City)