Mga estudyante nagpakita ng livelihood skills sa Technolympics 2018

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

Idinaos ang Technolympics 2018 sa ikatlong pagkakataon sa Batangas National High School, October 16, kung saan nagtagisan ng galing ang mga lumahok na estudyante mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa iba’t ibang livelihood skills.

Ayon kay Maritess Manalo, teacher 2 sa BANAHIS at tumatayong pangulo ng samahan, layunin ng Technolympics na mahasa sa ibat-ibang kasanayan o skills ang mga kabataan upang maging produktibong mamamayan.

Kabilang sa competition ang dish gardening at Tshirt printing para sa grade 5 at 6 students, food production (meat, fish at vegetables), bread and pastry production at dressmaking para sa mga Junior at Senior HS students at mga mag-aaral sa Alternative Learning System at Special Education..

Ang magwawagi dito ay ilalaban sa regional level na gaganapin sa November 7-10 sa Laguna. Lubos ang pasasalamat ng grupo sa pamahalaang lungsod sa suportang ipinagkakaloob nito partikular ang lahat ng kagamitan na kailangan sa kompetisyon.

Hangad ng grupo na higit pang mapalago ang kakayanan at kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng teknolohiya at paggawa ng mga makabagong bagay (technology and innovation).

Plano nila na magsagawa ng mga seminar at pagsasanay upang mabigyan ang mga guro ng National Certificate II.

Samantala, pinangunahan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha ang pormal na panunumpa sa tungkulin ng mga opisyales ng Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan /Technology Livelihood Education Division Organization sa BANAHIS. (PIO Batangas City)