Mrs Universe Philippines Finest Woman ASIA

 

Ang Mrs Universe pageant ay itinatag noong 2007 upang kilalanin ang magagandang kababaihang may asawa na at makatulong sa pagtataguyod ng mga gawaing makakabuti sa komunidad at lipunan. Sinimulan ito ni Mrs. Universe Philippines 2017 Marilou Tolico-Villanueva na syang founder ng Philippine Honorable Queens.

Ang beauty pageant ay ginanap noong September 8 sa Resorts World Manila kung saan tinanghal na Mrs/ Universe Philippines ang actress na si Patricia Javier.

Ayon kay Calalo “dream come true” ang kanyang pagkapanalo. “I’m very thankful na ako ay nanalo at natupad ang pangarap ko na maging isang beauty queen kahit ginang na ako. Its really not too late to reach for your dreams kaya sa mga misis na katulad ko, just continue dreaming and reaching for the stars,” payo niya.

Isang Mass Communication major in Broadcasting graduate ng Centro Escolar University , naging finalist si Calalo sa Bb Pilipinas pageant noong 1998. Bagamat hindi nakuha ang crown, ito ang nagbigay ng oportunidad sa kanya na makapasok sa mundo ng show business at maging commercial model.

Napanood siya sa sikat na programa ni Kuya Germs na That’s Entertainment at isa sa mga talents ngayon ng Viva Artists Agency. Lumabas na din siya sa ilang teleserye ng ABS CBN at GMA 7.

Ayon kay Charo, ang kampanya laban sa violence against women and children ang kanyang adbokasiya. Isusulong din niya na maipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan at mga kabataan sa pamamagitan ng information and education campaign.

Dahilan sa kanyang naging tagumpay na ito sa nasabing beauty pageant, binigyan siya ng pagkilala ng pamahalaang lungsod nitong Lunes, October 1.

Si Calalo ay nakatakdang lumaban bilang kinatawan ng bansa sa Pebrero ng susunod na taon sa para sa Mrs Universe - ASIA. (PIO Batangas City)