Batangas City magbubuo ng food security plan

1.jpg 2.jpg

Dumalo si Mayor Beverley Rose Dimacuha at hepe ng Office of the City Veterinary Agricultural Services na si Dr. Macario Hornilla sa kauna-unahang Food Security Summit noong October 4, sa Philippine International Convention Center kung saan dumalo ang mga mayors ng mga local government unts (LGUs) sa Regions 4 at 5 upang magbalangkas ng kanikanilang five – year food security plan para sa taong 2019-2023.

Ang food security plan ng isang LGU ay maglalaman ng impormasyon hinggil sa kanilang populasyon, food production potentials, interventions na kailangan upang mapataas ang food production at priority areas kung saan higit na kailangan ang farm to market roads, small-scale irrigation, fish ports at post-harvest facilities

Dumalo rito si Secretary Manny F. Piñol kung saan sinabi niya na “it is the job of every local leader to provide sufficient food for his constituents. Thus, the tagline for the summit Mamamayan ko Pakakainin ko!
From self-reliant municipality, we can build a self-reliant country.

Ayon kay Dr. Hornilla, nagsumite ang kanyang tanggapan ng plano kung saan nakasaad dito kung aling mga produkto ang sapat, sobra o kulang sa lungsod.

Bagamat nasa coastal area ang Batangas City, ito aniya ay navigation area o dinadaanan ng mga barkong naglalayag kung kayat hindi ganon karami ang mga isdang nahuhuli dito. Marami din aniyang lugar dito na naideklarang sanctuaries kung kayat balak nila na magtayo ng mga artificial reef.

Kulang ang suplay ng itlog dito kung kayat hihilingin niya na mabigyan ng buget para makapag
disperse ng egg-laying chickens at ng sa gayon ay makapagbigay din ng hanapbuhay sa mga barangay.

Pagdating sa mga gulay tulad ng talong, sapat at nakakapag supply pa nito ang lungsod sa ibang lugar. Wala aniya ditong produksyon ng bawang at sibuyas kung kayat nais niya itong matutukan.

Hinihikayat niya ang mga mamamayan ng lungsod na gamitin ang mga idle lots ng mga ito upang pagtaniman ng mga high- value crops at sikaping mapalawak ang organic farming.

Nagpapatupad ang OCVAS ng programang Binhi Ngayon Pagkain Bukas na nagbibigay ng libreng binhi ng mga gulay at prutas upang mapalago ang agricultural production.