Road project sa Balete bunga ng partnership ng mayor at congressman

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Kasalukuyang ginagawa ang rehabilitation at reconstruction ng isang kalsada sa barangay Balete na pinondohan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng halagang P20 milyon sa pakikipag-ugnayan ni Congressman Marvey Mariño.

Ang kalsadang ito na may habang 897.00m at lapad na 6.10m ay 40% ng nagawa at inaasahang matatapos sa Setyembre ng taong ito.

May sadyang laang budget ang city government para sa proyektong ito subalit sa tulong ng DPWH, gagamitin na lamang ang pondo sa ibang proyekto.

Ayon kay Cong. Mariño, ito ang maganda sa partnership nila ni Mayor Beverley Dimacuha, mas maraming proyekto ang mapopondohan at maiipatupad dahilan sa tulong ng pamahalaang nasyonal. “Yung budget ng city para sana sa road rehabilitation sa Balete ay pwedeng gamitin sa iba pang proyekto, mga pagawain,” sabi ni Mariño. (PIO Batangas City)