Pangalawang drug-free barangay ideneklara

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

BATANGAS CITY- Pangalawa ang Ilijan na ginawaran ng Certificate of Drug-Cleared Barangay ng Batangas City Police matapos itong maka sunod sa mga alituntunin ng Dangerous Drug Board (DDB) noong March 16.

Ang sertipiko ay pormal na iginawad ni PCI Jaime S. Pederio Jr., chief of operations ng Batangas City PNP bilang kinatawan ni Mayor Beverley Dimacuha.

Ayon kay Pederio, malaking responsibilidad sa pamunuan ng Ilijan ang pagiging drug- free ng kanilang barangay dahilan sa dapat nilang tutukan ang mga drug surrenderers upang huwag na silang bumalik sa masamang bisyo. “Sakaling may isa sa kanila na bumalik uli sa illegal drugs ay babawiin ang sertipikong iginawad sa barangay ,” dagdag pa ni Pederio.

Sama-sama ang mga pulis, barangay officials, mga pastor ng simbahan at mga grade 9 students sa pag didikit ng drug-free barangay sticker sa bawat bahay.

Ayon kay Pangulong Gilberto Cepillo, maraming clearing process ang kanilang pinagdaanan. Ang 33 drug surrenderers nila ay sumailalim sa monitoring, spiritual transformation seminar, community service at livelihood programs bilang bahagi ng kanilang rehabilitation. (PIO Batangas City)