Multi-awarded indie film ipinalabas bilang fund-raising para sa mga kababaihan

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nagsagawa ng fundraising para sa mga samahan ng mga kababaihan sa lungsod si City Councior Alyssa Cruz sa pamamamagitan ng film-showing ng isang multi-awarded indie movie.

Ayon kay Cruz, chairperson ng Committee on Women and Family ng Sangguniang Panlungsod, ang pondong malilikom sa film-showing ay pupunta sa Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) para sa mga proyekto nito at pantulong sa mga kasaping may biglaang pangangailangang pinasyal.

Ang proyekto na may temang “Kaisa Kababaihan” ay isinagawa noong March 17 sa Convention Center kung saan ipinalabas ang pelikung “Paki” na nagkamit ng mga awards kagaya ng Best Picture, Best Screenplay, Best Director at iba pa. Ito ay tumatalakay sa buhay ng mag-asawang 50 taon ng kasal na nais ng maghiwalay, at kuwento rin ng masalimuot na buhay ng kanilang mga anak na babae. Ang mga tickets na nagkakahalaga ng P100 ang isa ay ibinenta ng presidente ng KALIPI ng bawat barangay.

Bukod sa film showing, nagkaroon rin ng photo booth kung saan ang donasyong P10.00 bawat larawan ay para sa pondo rin ng KALIPI.

Nag-imbita ng mga sponsors si Konsehala Cruz para sa gawaing ito. Malaki rin ang naging suporta ng kanyang asawa na si Konsehal Serge Atienza na siyang naghanda ng mga video presentations at nangalap ng ilang papremyo para sa raffle draws.

Labis naman ang pasasalamat ni Cruz sa pakikiisa ng KALIPI sa fundraising project na aniya ay may P100,000 ang inisyal na nalikom na pondo. “Salamat po, hindi po magtatagumpay ang proyekto kung hindi sa suporta at tulong nyo. Nagpapasalamat din po ako sa mga sponsors at nagbigay ng mga raffle prizes,” sabi ni Cruz.

Naging bahagi ng fundraising event ay ang Women Empowerment Talk na isinagawa ni Judge Maricel Magpantay-Ng na tinalakay ang mga karapatan ng babae sa ilalim ng batas kagaya ng Magna Carta for Women at RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.. PIO Batangas City)