Isang dating pulis nasakote ng Batangas City PNP dahilan sa illegal drugs

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

BATANGAS CITY- Isang dating pulis ng Batangas City PNP at isang kasama nito ang naaresto sa isang entrapment operation ng magkasanib na pwersa ng Drug Enforcement Unit (DEU) at Provincial Intelligence Branch (PIB) kung saan nahulihan sila ng dalawang bulto ng hinihinalang shabu at illegal firearm kahapon, March 11, sa Barangay Libjo.

Ang mga naaresto ay sina dating PO2 Kristofferson Reyes Y Dris aka “Kris”, 35 taong gulang, may asawa at Henry Banaira Y Hernandez aka “Henry”, 52 taonggulang, walang trabaho, at single. Kapwa sila residente sa Poblacion East, Taysan Batangas at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Dugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nahuli ang mga suspek na may dalang isang black sling bag na may lamang dalawang bulto ng shabu na posibleng i didistribute sa mga ka transaksiyon sa may outpost ng barangay Libjo bandang alas 4:40 ng hapon.

Ang nakumpiskang shabu ay tinatayang may street value na P18, 500 na kung ibebenta ay aabot sa halagang P 23,000 - 25,000 depende sa bentahan na magaganap. Nakuha rin sa mga ito ang isang government issued- 9mm Taurus Pistol na may kasamang isang magazine na loaded ng 15 pieces na live ammunitions at isang iphone 6 na naglalaman ng mga drug transactions.

Ayon kay Police Chief Wildemar Tiu, si Reyes ay nagkaroon ng kasong administratibo at napa assigned sa Region 4-A office. Nag AWOL siya at tuluyan ng na dismissed sa serbisyo noong March 14, 2016.

“The president’s campaign against illegal drugs is clear. Hindi porke nariyan ka sa pwesto ay hindi ka namin huhulihin,” dagdag pa ng hepe.

Ang pagkahuli sa mga suspek ay dahil na rin sa series of operations against illegal drugs at sa pagka aresto muli sa drug personality na si Reyland Reyes aka “Tisoy” sa Pallocan West noong March 10. Si Tisoy ay pinsan ni Reyes at dati ng nakulong noong 2014 dahil sa illegal drugs.

Ang mga na recovered na ebidensiya ay agad na dinala sa Batangas Provincial Crime Laboratory Office habang ang mga naaresto ay ipapa drug test at physical examination sa Batangas Medical Center. Ang mga suspects ay pansamantalang nakakulong sa Batangas City detention cell. (PIO Batangas City)