Fire drill sa isang kilalang mall muling isinagawa

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Bandang 9:00 ng umaga, isang usok ang nakita sa fast food chain section ng SM City Batangas. Agad nag fire alarm at kalmadong lumabas ang mga staff at tenants papunta sa evacuation assembly area sa may parking area papuntang Holy Trinity Church.

Ito ang unang scenario sa fire drill na taon taong ginagawa ng nasabing mall upang patuloy na mahasa ang kahandaan nito sa sunog at maseguro ang kaligtasan ng mga tao.

Bago ang drill nagkaroon ng briefing ang mga participants sa mga magiging scenario.

Tumulong sa drill ang mga kawani ng Batangas City Bureau of Fire Protection (BFP), Disaster Risk Reduction and Managament Office (CDRRMO) at Red Cross Batangas kung saan sila ang nagsagawa ng simulated rescue and retrieval operations.

Ayon kay Fire Marshall Glenn Salazar ng BFP, ang nasabing pagsasanay ay sumaklaw sa mga aspeto na dapat isaalangalang kagaya ng firealarm, evacuation assembly area, incident command post at mass casualty handling. Sinabi pa niya na importante ang pagiging alerto at tamang pagkilos upang maiwasan ang casualties.

Sa kanyang evaluation ng ginawang fire drill, natuwa si Salazar sa pagresponde ng mall sa mga nagkaroon ng injury o sumama ang pakilasa dahilan sa suffocation kagaya ng isang buntis.

Nakita niya na bukod sa may incident command post ang mall, mayroon din itong medical staff, rescue team at safety officer na mahalaga upang makaresponde sa anumang emergency o kalamidad. Mayroon din itong nakahandang ambulance.

Sinabi ni Public Relations Manager Lea De Chavez na mahalaga ang kahandaan ng sinuman sa mga sakuna at kalamidad. Inaasahan din niyang ibabahagi ng mga lumahok ang mga natutunan nila sa nasabing drill. Aniya, taunan nilang isinasagawa ang pagsasanay na ito upang mapag-ibayo nila ang kahandaan at pagresponde at matulungang maligtas hindi lamang ang kanilang mga sarili kundi ang ibang tao.

Ayon naman kay Mall Manager Mina Buenaflor, importante ang ganitong paghahanda sa lahat ng establisyemento upang magkaroon sila ng kaalaman ng tamang gagawin kung may sunog. Sinabi pa niya na bukas ang kanilang tanggapan sa anumang suhestyon at rekomendasyon sa magiging evaluation ng kanilang fire drill ng mga awtoridad upang maitama kung ano man ang mali o kulang at mapalakas pa ang kahandaan.

Itinuro din dito ng BFP ang tamang paggamit at pag patay ng LPG tank at ang panggamit ng fire extinguisher. (PIO Batangas City)