BRAD school stage sa sa Isla Verde pinasinayaan

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Pinangunahan nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha ang blessing at turn- over ceremony ng Beverley Rose A. Dimacuha (BRAD) type- school stage nitong March 1 sa Parang Cueva Elementary School sa San Andres, Isla Verde.

Nakasama nila dito sina City Schools Superintendent Dr. Donato Bueno, Island District Supervisor Vicenta Ebora, Sanggunian Panlungsod Committee on Education Chairman Alyssa Cruz, Coun. Serge Atienza, Batangas City Chief of Police, PSupt Wildemar Tiu, Punong Barangay Arnold Briton mga kagawad at residente ng San Andres.

Nagpasalamat si Dr . Bueno kina Mayor Dimacuha at Cong. Marvey dahil nabigyang katuparan ng mga ito ang kanilang kahilingan. Aniya, ngayon ay may maayos na lugar na pagdarausan ng mga programa ang may 172 estudyante at walong guro kasama na ang principal sa paaralang ito. “Kahit maliit na paaralan ang Parang Cueva ay tumanggap na ito ng mga awards kagaya ng 3rd place Best Brigada Implementer- Small Scale Category sa buong bansa, at 2nd place Most Innovative School sa lungsod ng Batangas,” dagdag pa ni Bueno.

Ayon naman kay Pangulong Briton maari ring gamitin ang stage sa mga programa at pagtitipon ng barangay.

Kasabay ng naturang blessing at turn over ay nagsagawa naman ang City Health Office-EBD Health Card Division ng pagre renew ng Health cards sa may 208 card holders ng barangay.

Nagbigay naman ng mga tungkod ang City Social welfare and Development Office (CSDWO) sa panguguna ni CSWDO head Mila Espanola. Kinausap din ng mga personnel nila ang mga senior citizens tungkol sa mga concerns ng mga ito.

Nag-inspeksyon ng mga istraktura ang mga kawani ng City Engineers Office at inalam naman ng Batangas City PNP ang peace and order situation sa San Andres at mga karatig barangay. (PIO Batangas City)