BSP Batangas City Council nagdiwang ng 43rd anniversary

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Ipinagdiwang ng Boyscouts of the Philippines Batangas City Council ang 43rd Founding Anniversary and 13th Councilwide Jamborette nito mula March 1-3 sa Batangas Provincial Sports Complex grounds kung saan dumalo ang may 1,595 na boyscouts.

Sa unang araw binigyang pagkilala ang mga guro sa pamamagitan ng pagdaraos ng Mr. and Ms. BSP Foundation kung saan nagpagalingan ang mga kalahok sa kaalaman tungkol sa boyscouting.

Nakuha ang titulo nina Tristan Asis ng District 1 at Maricel Gutierrez ng Sto. Niño National High School.

Nagkaroon naman ng modern dance competition ang mga boyscouts kung saan naging kampeon sa ikatlong pagkakataon sa elementary level ang Sta. Rita Elementary School (District 3), 1st runner up ang District 8 at 2nd runner up ang District 5.

Ang Tabangao National high school naman ang nagwagi sa high school category, first runner- up ang Sta. Rita National High School at 2nd runner- up ang Balete National High School.

Ang ilan pa sa mga gawaing nakapaloob sa pagdiriwang na ito ay ang bench cheering contest, Kid/ Kab Pasiklab, Kid/ Kab Palaro at Scouts Got Talent.

Pinangunahan ni Batangas City Scout Executive Ramil S. Borbon ang lahat ng mga gawaing sa pagdiriwang na ito na may temang “Commitment to Excellence”. (PIO Batangas City)