- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Update sa construction ng Market III at iba pang malalaking proyekto iniulat ng CEO
- Details
- Tuesday, 06 February 2018 - 4:50:19 PM
Nasa 63% na ang on-going construction ng Market III sa Don Julian Pastor Memorial Market (Bagong Palengke) sa brgy. Cuta na inaasahang matatapos sa target date nito sa Agosto ng taong ito.
Ayon sa City Engineer’s Office(CEO), sa kasalukuyan ay isinasagawa na dito ang installation and finishing of stalls, installation of electrical materials at grinding works, excavation for foundation of promenade fixed stalls, at iba pa.
Kapag natapos na, ang Market III ay maiihalintulad sa mga malalaking supermarkets na may malawak na espasyo para sa mas maginhawa at maalwang pamimili. May angkop at magkakahiwalay na lugar sa bawat section ng paninda kagaya ng meat at fish section, fruits and vegetables at dry good sections.
Sinabi ni City Engineer Adela Hernandez na nakatakda na rin umpisahan ang pagsasagawa ng kalsada rito sa Bagong Palengke ngayong huling linggo ng Marso matapos ang bidding ng proyekto ngayong February.
Samantala, tinatapos na rin ang pagpapagawa ng 3-storey Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) na nasa 74% completion sa kasalukuyan. Maglalagay na lamang dito ng mga bintana, ipinagpapatuloy rin ang installation ng floor tiles at iba pang tile works at painting works.
Ang nasabing gusali ay may 22 silid aralan kung saan lima dito ay nasa 1st floor at ang 17 classrooms ay nasa 2nd floor. Nasa 1st floor din ang mga administrative at faculty rooms, medical at dental clinics at audio visual rooms. Sa second floor ng gusali ay ang College Library na kayang maglaman ng 400 na daang mag-aaral. Kabilang din sa bagong pasilidad ang dalawang computer laboratories at science laboratory. Sinisimulan na rin ang konstruksyon ng canteen dito.
Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng CLB sa Mayo at magagamit na ito sa pagbubukas ng klase sa Agosto ng taong ito.
Sa kasalukuyan ay 48% accomplished na ang phase 1 ng konstruksyon ng 2 storey- City Engineer’s Office. Ayon sa CEO tinatayang makukumpleto ang konstruksyon ng gusali sa susunod na taon.
Isinasaayos din ngayon ang façade ng City Hall at ang Plaza Mabini. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.