Ginagawang city library magiging modernong pasilidad

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Kapag natapos na ang konstruksyon ng City Public Library and Information Center, isang modernong disenyo ng gusali at mga pasilidad ang magbibigay ng magandang serbisyo sa mga estudyante at iba pang library users na pupunta rito.

Ang library na ito ay may tatlong palapag at open roof deck. Sa first floor nito ay magkakaroon ng lobby at commercial spaces. Ang 2nd at 3rd floors ang library area, kung saan sa 2nd floor ay mayroon ding exhibit hall, nursery at children section, discussion rooms, hub tech for education kung saan may mga computers dito para malaman o maka access sa mga government services (e-government services), tanggapan ng city librarian at pantry.

Sa 3rd floor naman ay ang study area, audio- visual room at electronic library na maglalaman ng 18 computers na magagamit para sa mas mabilis na pagsasaklisik at pag-aaral ng mga estudyante at iba pang researchers.

Ayon pa rin sa plano, ang libray ay may elevator, magkahiwalay na comfort rooms para sa mga babae at lalake sa lahat ng palapag at naka desenyo rin para sa mga senior citizens at may kapansanan. Ang gusali rin ay may walong slots na parking area.

Nasa 30-40% na ang konstruksyon ng 1st phase nito na inaasahang matatapos sa taong ito. Tinatayang matatapos ang kabuuan ng proyekto sa susunod na taon. Ang proyektong ito ay isa sa mga partnership projects nina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha.

Ang pondo para sa konstruksyon ng gusali ay mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pakikipag ugnayan ni Cong. Mariño at naglaan naman ng budget ang pamahalaang lungsod para sa pasilidad at mga gamit dito. (PIO Batangas City)