- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Kaso ng dengue, bumaba
- Details
- Friday, 24 November 2017 - 11:56:20 AM
BATANGAS CITY Iniulat ni City Health Officer Rosanna Barrion na bumaba ng halos kalahati ang kaso ng dengue fever sa Batangas City ngayong taon (January-November) kung saan ito ay umabot lamang sa 681 kaso kumpara noong 2016 kung saan 1,208 kaso ang napatala. Ito aniya ay dahil sa pinaigting ng kampanya ng CHO upang labanan ito sa pamamagitan ng clean up drive at ng four o’clock habit o pagsasagawa ng mga residente ng “search and destroy” sa loob at labas ng bahay ng mga posibleng pamugaran ng lamok. Ang dengue fever ay acute viral infections na dala ng kagat ng lamok na tinatawag na Aedes aegypti, uri ng lamok na nangangagat sa araw at nangingitlog sa mga clear at stagnant water. Idinagdag pa ni Barrion na ang kanilang Environmental Sanitation Division ay nagsasagawa ng larval survae sa 100 kabahayan sa barangay para sa mga posibleng breeding places ng lamok tulad ng mga lumang gulong. Nagcoconduct din ang mga ito ng inspection sa ibat-ibang estblisyimento. Nagsasagawa din aniya sila ng “misting” o pagbobomba sa loob ng tatlong consecutive weeks laban sa lamok sa mga purok ng ibat-ibang barangay na may mataas na kaso ng dengue upang maiwasan ang pagkalat nito.
Payo ng CHO na panatilihin ang kalinisan ang kapaligiran upang maiwasan ang ibat-ibang uri ng sakit.
Samantala, upang mapangalagaan naman ang kalusugan ng mga empleyado ng city government, mayroong healthy lifestyle program na ipinatutupad ang CHO. Ito ay para sa mga kawani edad 40 pataas na may non-communicable diseases tulad ng cardio vascular conditions, hypertension, diabetes at cancer. “Gagawan namin ang mga ito ng programa upang matulungan sila na ma normalize ang kanilang kondisyon at mabigyan ng libreng gamot,” dagdag pa ni Dr. Barrion.
Patuloy pa din aniya ang pagsasagawa ng exercise para sa mga empleyado tuwing Myerkoles.
Bilang tugon naman sa tumataas na bilang ng kaso ng lung cancer at bilang pagsuporta sa Anti- Smoking Ordinance ng lungsod at anti-smoking law ng pamahalaang nasyonal, magbibigay sila ng information education campaign (IEC) sa ibat-ibang barangay upang pagdating ng Enero 2018 ay mahigpit na maipatupad ang pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Kasama nila ang PNP, TDRO at DSS sa Smoke Free Task Force sa pagpapatupad nito.(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.