High school student’s nagsanay sa first aid

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

BATANGAS CITY- Hindi maiiwasan ang aksidente o kalamidad sa paaralan kayat mahalagang matuto ang mga estudyante ng tungkol sa basic first aid at basic life support training na pwede ring nilang gamitin sa kanilang tahanan o sa komunidad upang makapag salba ng buhay.

Isang training at workshop tungkol dito ang ginawa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa may 27 grade 7 students ng Sto. Nino National High School nitong November 21-22.

Itinuro sa kanila ang Standard First Aid and Basic Life Support, Cardio Pulmonary Resuscitation (CPR) at Automated External Defibrillator (AED).

Ayon sa trainor na si Jose Intac Almazan ng CDRRMO, sa report ng Philippines Heart Association, marami ang namamatay dahil sa cardiac arrest kaya nais nilang mapataas ang kaalaman ng publiko kung paano magsagawa ng CPR. “Pag marunong po tayo ng CPR, the chance of survival na 2% increases to 20% to 30%.” Ayon kay Jerome Pasia, grade 10 ng Sto Nino NHS, “importante po sa amin na marunong kami mag apply ng CPR lalo na malayo po kami sa bayan, kung may edukasyon po kami ng CPR makakatulong po kami makapagligtas at makakapag salba ng buhay kung may emergency.”

Nagsanay din sila ng bandaging, proper transfer of victim, proper handling at dagdag kaalaman sa unang dapat gawin sa mga kaso ng heart attack, cardiac arrest, airway and breathing emergencies, respiratory arrest, asthma attack, hyperventilation, bleeding and shock, open wound, burns, poisoning, head and spine injuries, bones, joints and muscle injuries, stroke, seizures at bandaging technique, pagkabulon, pinsala sa mata, pagkahimatay, heat stroke, at biglaang sakit. (PIO Batangas City)