Lactation station sa workplace mahigpit na ipatutupad

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

BATANGAS CITY-Nagsagawa ng orientation ang City Nutrition Division sa mga kinatawan ng mga business establishments tungkol sa Establishment of Lactation Station/Room in the Workplace upang mapalakas ang kampanya sa breastfeeding. Ito ay alinsunod sa Ordinance No. 20 s 2011 Compelling Strict Implementation of Mother-Baby Friendly Health Instituions in Batangas City at sa Republic Act 10028 or the Expanded Breastfeeding Promotion Act of 2009.

Ang lactation station ang isa sa mga “low-cost family-friendly facilities” na pwedeng ipagkaloob ng isang employer sa workplace para sa mga empleyado upang ma promote ang breastfeeding para sa mas malusog na mga bata. Dapat ding bigyan ng employer ng oras ang kanilang women workers upang makapag express ng gatas.

Ipinaliwanag ni Jellie Anne Palencia, nutritionist dietitian 1V ng Regional Health Office Calabarzon na kailangan lamang ng isang ligtas, malinis at pribadong lugar upang makapagtayo ng isang lactation station. Binigyang diin niya na ito ay hindi dapat ilagay sa loob ng toilet. Ang mga kailangan lamang ay isang maliit na mesa, mga silya, refrigerator o cooler para sa storage ng expressed breast milk, lababo na may tubig, electrical outlets para sa breast pump at maliit na locker upang lagyan ng equipment. Ilan sa mga may lactation stations ang mga food chain, mall, industriya kagaya ng Pilipinas Shell, J. G Summit, KEPCO, at ilang mga public at private schools. Ipinabatid naman ni Nutrition Officer 1V Luciana Manalo na simula January 2018, gagawin ng requirement sa pagkuha o renewal ng business permit ang pagkakaroon ng certification mula sa City Health Office na nag ce certify ng compliance sa nasabing ordinansa.

Alinsunod sa ordinansang ito, isang monitoring team ang bubuuin upang mag monitor ng compliance at mga problema sa pagpapatupad ng batas; magreview o kumilos sa mga reports ng paglabag sa ordinansa; mag verify ng reports ng paglabag ng ordinansa ; magrekomenda ng sanctions at parusa sa paglabag sa ordinansa sa regional director ng Department of Health ; at pagsumite ng regular reports sa status ng implementasyon ng ordinansa sa regional director ng DOH Ang monitoring team ay bubuuin ng nutrition officer , sanitation inspector- 2 representatives; Business Permit and Licensing Office-1 representative; non government organization- Gabay Kaunlaran ng Batangas City inc- 1 representative; civil society- Kalipi-1 representative; at Office of the City Engineer-1 representative.

Ang sinumang lalabag sa ordinansa ay tatanggap ng warning sa first offense, multang P5,000 sa second offense at multang P5,000 at revocation o cancellation ng business permit o license to operate sa third offense. ANGELA J. BANUELOS PIO BATANGAS CITY