Delegasyon ng mga taga Visayas inalam ang mga best practices sa Batangas City

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

BATANGAS CITY- May 25 barangay chairmen, secretaries at treasurers mula sa Liga ng mga mga Barangay ng Municipality of Calinog, probinsiya ng Iloilo, ang nag lakbay aral sa Batangas City noong November 21.

Ayon kay Tranquilino Castigador Jr., vice president ng Liga, napili nilang puntahan ang Batangas City dahilan sa kilala ang lungsod sa pagkakaroon ng maraming awards at mahusay na pamamalakad ng punong- lungsod. “Ang aming lakbay aral sa inyong lungsod ay isang magandang instrumento para matuto kami sa mga best practices na maari naming ipatupad sa aming bayan. Bukod sa napapasyalan namin ang ibat-ibang bayan at lungsod, nagkakapalitan din kami ng kaalaman in the field of good governance, government programs at scientific innovations.” Sinabi rin niya na ang lahat ng kanilang natutunan ay kanilang iaaplay sa kanilang bayan.

Nagsalita tungkol sa mga programa ng lungsod sina Erick Sanohan hepe ng LEIPO; Barangay Chairman Marivel Santos ng Barangay Maapaz; Glenda Garcia ng City Enro; Rod de La Roca, hepe ng CDRRMO at Secretary to the Mayor RD Dimacuha.

Nagpasalamat si Atty. Dimacuha sa mga bisita sa pag pili sa Batangas City upang puntahan. Aniya sana makapulot sila sa mga best practices ng lungsod upang maiaplay nila sa kanilang bayan.

Bilang pasasalamat ng delegasyon sa mainit na pagtanggap sa kanila, nagbigay sila ng simple tokens na tinaggap ni Atty. Dimacuha. (PIO Batangas City)