High school students tinuruan upang maiwasan ang teen pregnancy

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

BATANGAS CITY-May 146 high school students ng ilang mga public schools ang sumailalim sa interactive seminar-workshop na U4U na naglalayong mabigyan ng “critical information” ang mga Filipino teens edad 10-19 upang maiwasan ang teen pregnancy at mabawasan ang dumadaming kaso ng sexually transmitted infections kagaya ng HIV/AIDS. Ang gawaing ito ay proyekto ng City Population Division sa pakikipagtulungan ng Philippine Commission on Population(POPCOM) at suportado ng UN Population Fund(UNFPA).

Sa mensahe ni City Councilor Aileen Arriola-Montalbo, sinabi niya sa mga kabataan na mahalin ang kanilang mga sarili at maging tapat sa kanilang mga magulang. Nang tanungin niya kung sino ang mga may boyfriends o girlfriends na , sinabi niya na “kung ano lang ang dapat mong gawin sa harap ng inyong magulang, yun lang ang inyong gagawin.” Sinabi rin niyang ilang beses ka mang gusumutin o tapakan kagaya ng P500-peso bill, mananatili ang kahalagahan ng iyong pagkatalo.

Ayon naman kay Andy Fergis, planning officer 1 ng POPCOM Reg. IV-Mimaropa, ang Pilipinas ang nangunguna sa teen pregnancy sa Southeast Asia habang ang pinakabatang AIDS victim ay 11 taong gulang. Sa kultura aniya ng mga Filipinos, ang pag-uusap ng pamilya tungkol sa sex ay isang taboo.

Ang mga katanungang ito tungkol sa sex and gender, reproductive system , teen health, ,familyrelations, at life skills ang nilalaman ng Treen Trail kung saan ang mga grupo ng kabataan ay natututo at nag-eenjoy sa interactive exhibit, fun worshops, songs at dances. Ayon kay Murita Cunanan, PPO 11, may 30 estudyante ang nag trained sa pagiging facilitators at tumulong sa isinagawang Teen Trail. (PIO Batangas City)