Allowances ng mga scholars ibibigay bago mag Pasko

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Higit na pinabilis at pinaalwan ngayon ng Mayor’s Action Center (MAC) Scholarship Committee ang distribusyon ng scholarship allowance para sa mga EBD scholars ng pamahalaang lungsod upang maipamahagi ang allowance sa lahat ng iskolar bago sumapit o sa December 15.

Ayon kay Manolo Perlada, Scholarship Committee head, nais nina Mayor Dimacuha at Congressman Mariño na maibigay na sa mga iskolar ang kanilang allowance bago mag Pasko ng magamit ito sa kanilang mga gastusin. “Ginagawa po naming ang lahat ng paraan para mapabilis ang proseso ng pagre-release at distribution ng tseke, pipilitin po namin na maipamahagi ang allowance sa lahat ng scholars on or before December 15.” Sabi ni Perlada Kaugnay nito ay siyam na national high schools sa lungsod ang pinuntahan nina Cong. Mariño at Mayor Dimacuha kahapon at ngayong araw na ito (November 16-17) upang personal na ipamahagi ang scholarship allowance sa may 1,800 high school EBD scholars.

Dumalo rin sa distribution ang mga magulang ng mga scholars. Bago simulan ang distribution ay nagsagawa muna ng orientation si Perlada para ipaalam ang mga bagong alintuntunin at requirements at iba pang scholarship program ng dalawang opisyal kagaya ng educational assistance para sa mga mag-aaral na mas mababa sa 85% ang general average; atheletic scholarship para sa mga manlalaro na sumasali at nanalo sa mga regional at national sports competitions; tulong dunong na ipinatutupad sa pamamagitan ni Cong. Mariño at ang Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) na nagbibigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo.

Sa kasalukuyan ay may mahigit sa 10,000 high school at college EBD scholars. Ito ay may pondo na 90 milyong piso na isa sa mga programa na may pinakamataas na inilaang budget. Sinimulan ito ni Mayor Eddie Dimacuha noong school year 2003 at 2004.

Ipinaalala rin ni Mayor Dimacuha sa mga scholar na mag-aral ng mabuti upang maabot ang pangarap at tumulong sa pamilya, at ipinaalaala rin niya sa ang mga magulang na bigyan ng sapat na atensyon ang mga anak at wag magsasawang ipadama ang kanilang pagmamahal sa mga ito. (PIO Batangas City)