Fiber glass banca Ibinigay sa mga mangingisda bilang livelihood assistance

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Anim na fiber glass motorized bancas ang ibinigay ng pamahalaang lungsod sa mga samahan ng mga mangingisda upang matulungan sila sa kanilang hanapbuhay. Ito ay isinagawa ng Office of the City Veterinary and Agricultural Service(OCVAS) sa barangay Sta. Rita kung saan ito ay dinaluhan ni Congressman Marvey Marino at Mayor Beverley Dimacuha.

Ang mga beneficiaries ay mula sa baybaying dagat ng San Agapito at San Andres Isla Verde, Barangay Tabangao, Mabacong at Talahib Pandayan.

Sinabi ni Congressman Marvey Marino na ang proyektong ito ay makakatulong sa pagpapaunlad ng fishing sector at pag-angat ng hanapbuhay ng mga mangingisda.

Ang banca ay may habang walong metro at 18 HP ang makina. Ito ay may kapasidad na 10 tao.

Ipinaliwanag ni Gerardo Peralta, OIC ng Fishiries Division, na ang mga bangkang ipinamahagi ay dapat ibalik kapag nasira o hindi ginagamit sa paghahanapbuhay. “May mga rules at regulations din silang dapat sundin sa pag gamit ng banca upang hindi sila mahuli kung sakali sila ay mapadpad sa ibang lugar,” dagdag pa niya.

Ayon sa beneficiary na si Faustino Abella, barangay councilor ng Talahib Pandayan, “malaking tulong ito sa pangkabuhayan ng kanilang barangay, ito rin aniya ang gagamitin namin upang tulungan ang bantay dagat sa aming lugar.”

Pinaalalahanan naman ang mga beneficiaries na alagaang mabuti ang mga bangkang ibinigay sa kanila at huwag itong gagamitin sa masamang gawain. (PIO Batangas City)