Elementary students nag camping upang matuto tungkol sa climate change

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

BATANGAS CITY- May 340 elementary students mula sa 49 public at private schools ang lumahok sa Low Emission Development Strategies(L.E.D.S) Camp sa South Elementary School upang matutunan nila ang tungkol sa climate change at kung papaano ito malalabanan.

Ito ay magkasamang gawain ng Department of Education at ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) upang mapalawak ang public awareness lalo na ang mga bata tungkol sa climate change adaptation and mitigation at solid waste management.

Sinabi ni Oliver Gonzales, hepe ng CENRO, na naniniwala si Mayor Beverley Dimacuha na malaki ang magiging ambag nga mga kabataan sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran at kung papaano mababawasan ang greenhouse gases.

Ang mga resource speakers ay sina Danilo Villas, executive director ng Philippine League of Local Environment and Natural Resources Office (PLLENRO) tungkol sa Climate Change Adaptation and Mitigation; Juvina Serafin, senior EMS, EMB-Solid Waste Management Division tungkol sa Responsible Solid Waste Management; at Engr. Ernesto Fider Jr. At Thelma Nayve ng Meralco tungkol sa Energy Efficiency/Safety Tips.

Ilan sa mga ipinayo sa mga bata ang pagtatanim ng puno, pagpatay ng switch ng ilaw kapag hindi ginagamit, paggamit ng eco bag, pag-iwas sa paggamit ng plastik, paghihiwalay ng basura, pag-iwas sa pagsusunog ng basura, paggamit ng renewable energy, at paggamit ng pampublikong transportasyon.

Natuto at nag enjoy ang mga bata sa mga games, at song ang dance presentation kung saan ang tema ay tungkol sa environment at ang mga materials na gamit ay reusable o recyclable.

Ang tema ng L.E.D.S. ngayong taon ay “Kaalamang Pang- Elementarya Para sa Malamig na Klima”. (PIO Batangas City)