Workshop sa barangay disaster planning isinagawa

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

BATANGAS CITY- Sumailalim sa workshop ng City Disaster Risk Reduction and Management Office(CDRRMO) ang Barangay Sampaga at San Miguel tungkol sa updating ng kanilang three-year Barangay Disaster Risk Reduction Management Plan (BDRRMP) upang malaman kung ano pa ang kailangang gawin upang mapalakas ang kahandaan sa kalamidad, aksidente at anumang emergency.

Dumalo rito ang mga barangay officials, mga guro, miyembro ng Kalipi, mga kinatawan ng samahan ng mga senior citizens, at mga presidente ng Parents Teachers Associations.

Nakapaloob sa planong ito ang mga programa, proyekto at activities sa areas ng disaster preparedness, mitigation, response and rescue at rehabilitation and recovery.

Ayon kay Pangulong Adriano Guico ng barangay San Miguel, humiling sila ng ganitong workshop upang madadagdagan pa ang kanilang kaalaman at maging handa sa anumang uri ng kalalamidad. Mahalaga aniya ang BDRRM Plan dahil ito ang magiging gabay ng kanilang barangay kung may sakuna at kalamidad.

Isa sa mga natural hazards ng San Miguel ay ang landslide habang vehicular accident sa Sampaga.

Naging training facilitator sa workshop na ito si Jerick Czar Atienza ng Training Section ng CDRRMO. (PIO Batangas City)