Lifeguards sumailalim sa rescue training

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

BATANGAS CITY- Sumabak sa limang araw na pagsasanay ng Philippine Coast Guard ang may 26 na life guards ng mga resorts sa lungsod kasama ang response and rescue team ng City Disaster Risk Reduction and Management Office(CDRRMO) tungkol sa rescue technique upang mas mapalawak pa ang serbisyo publiko sa panahon ng aksidente at kalamidad maging sa tubig man o sa kakalsadahan.

Isinagawa ang pagsasaanay sa Olympic- size swimming pool ng Batangas City Coliseum kung saan itinuro sa kanila ang drowning victim rescue, unresponsive victim rescue, removal of victim, initial reassessment at escapes. Itinuro ang ibat-ibang techniques kung paano maiiligtas ang isang biktima tulad ng head, neck and spinal injuries in water, head splint technique, alternate- in- line stabilization technique, spinal back boarding and extrication- deep water at ang entries/approaches, stride jump, saving approaches, assist at rescue.

Ayon kay Po1 Roy Villanueva, Special Operation Unit ng Philippine Coast Guard Southern Tagalog, mahalaga na mas maitaas pa ang level ng kaalaman ng mga life savers sa panahon ngayon na marami ang nalulunod. “Since every pool and facility is different, life guards must take it upon themselves to learn how to perform all specific duties efficiently and effectively. Being alert, professional, constantly building your rescue skills at all times will help save lives”dagdag pa ni Villanueva.

Importante din aniya na ang mga lifeguards ay physically fit, may mental alertness at magaling lumangoy. Ipinaliwanag din niya ang kahalagahan ng tamang paggamit ng equipment tulad ng rescue tube at spine board na pangunahing ginagamit sa pagliligtas ng biktima.

Kasama din sa pagsasanay ang Standard First Aid and Basic Life Support Orientation, Cardio Pulmonary Resuscitation (CPR) at Automated External Defibrillator (AED) na isinagawa naman ng CDRRMO. (PIO Batangas City)