Financial assistance para sa mga higit na nangangailangan mula sa DSWD

  DSWD1.jpg DSWD2.jpg DSWD3.jpg DSWD4.jpg DSWD5.jpg

BATANGAS CITY- May 236 indibidwal na higit na nangangailangan ang tumangap ng P3,000 na financial, medical at burial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development(DSWD) Region 1v-A sa GAD building sa Plaza Mabini ngayong September 14 sa pakikipag-ugnayan nina Cong. Marvey Marino at Mayor Beverley Dimacuha sa nasabing ahensya.

Sinabi ni Mariño na gumagawa siya ng paraan upang makakuha ng pondo sa national agencies at maibaba ang tulong sa mga higit na nangangailangan sa lungsod. Naghahanap pa ako ng partners para makatulong at makakuha ng malaking pondo para sa ibat-ibang programa tulad ng burial assistance, medical assistance at educational assistance, dagdag pa ng congressman.

Ayon kay Mariño, limitado muna ang tulong pinansiyal na ibinibigay sa kadahilanang mas madami ang nag aaplay at nangangailangan ng tulong ngayon. Upang makatulong pa sa ibang paraan, humihingi ng pondo si Mariño sa Department of Health bilang pambayad sa mga gastos ng mga humihingi ng tulong sa pagpapagamot sa tatlong hospital sa Manila ang Philippine General Hospital, National Kidney Center at Philippine Heart Center at sa Batangas City ay ang Batangas Medical Center. Katulong din sa gawaing ito ang CSWDO. (PIO Batangas City)