- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
40th anniversary ng Julian Pastor Memorial Market ipinagdiwang
- Details
- Friday, 15 September 2017 - 3:29:09 PM
BATANGAS CITY- Sa pagdiriwang ng 40th anniversary ng Julian Pastor Memorial Market o kilala sa tawag na Bagong Palengke sinabi ni Congressman Marvey Mariño na dumalo rito kasama si Mayor Beverley Dimacuha na ang mga proyektong ginagawa ngayon dito ay naglalayong mapaganda pa ang serbisyo at kalagayan ng nasabing palengke para sa kapakanan ng mga mamimili. Sinisimulan ng gawin muli ang bagong gusali at ang mga kalsada rito kasunod ng release ng ikalawang bahagi ng loan mula sa Land Bank.
“Ang palengke ang isa sa mga malimit puntahan ng mga bisita at turista upang bumili ng iba’t ibang produkto kung kayat dapat na maganda, malinis, maaliwalas at maunlad ito,” sabi ng congressman. Sinimulan ang okasyon ng Banal sa Misa kasunod ang isang programa na inihanda ng Federation of Julian Pastor Memorial Market Vendors Association. Binigyan din ng Certification of Appreciation ang mga namatay ng namuno sa pamilihan kagaya ng naging city market administrator na si Orlando Muños at Ramon Dimacuha na naging presidente ng Federation Julian Pastor Memorial Market Vendors Association. Isinagawa din ang oath- taking ng lahat na section leaders at officers ng samahan.
Nagbigay naman ang pamahalaang lungsod ng 80 kareta sa mga porters ng palengke upang maging mas maalwan ang kanilang trabaho.
Magkakaroon din ng motorcade kinabukasan na lalahukan ng staff ng palengke at ng vendors association na iikot sa poblacion. Dagdag kasiyahan din ang gagawing mga palaro at raffle para sa mga vendors. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.