BNHS personnel nagsanay sa first aid

  BNHS1.jpg BNHS2.jpg

Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng School Disaster Risk Reduction Management Committee ng Batangas National High School sa Basic Life Support and CPR Management Training upang mapalakas pa ang kanilang kahandaan sa anumang kalamidad, aksidente at iba pang emergencies.

Bukod sa mga guro, nagsanay din ang mga personnel ng maintenance, security at cooperative sa pagtuturo ng personnel ng Batangas City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ayon kay Jofel Hernandez, school disaster coordinator ng BNHS, kusa sila nag request para magkaroon ng ganitong pagsasanay dahilan sa mahigit 6,000 estudyante ang pumapasok ditto at hindi nila kakayanin kung sakaling magkaroon ng biglaang emergency sa loob ng paaralan. Katulad na lamang ng pangyayari na nagkaroon ng bomb threat sa aming school, kung ang bawat coordinator ay mayroong kaalaman sa pag response mas madali naming mahahandle ang situwasyon sa kagaya nitong pangyayari, dagdag pa niya. Ibabahagi aniya ng mga nagsanay ang kanilang natutunan sa iba nilang kasamahan. Balak din nilang magkaroon ng bomb threat drill. (PIO Batangas City)