- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mahigit P800k nalikom sa Alay Lakad 2017
- Details
- Friday, 08 September 2017 - 4:49:13 PM
BATANGAS CITY-Mahigit sa 3,000 katao na binubuo ng mga government employees, kapulisan, estudyante, barangay officials at ilang mga kinatawan ng business establishments ang lumahok sa Alay Lakad 2017 kung saan nakalikom ng pondong nagkakahalaga ng P838, 581.
Nagtipon ang mga participants sa Laurel Park at naglakad bandang 6:00 ng umaga patungong P. Burgos, Rizal Avenue papuntang Sports Coliseum kung saan ginanap ang programa.
Naging panauhin sa programa si Gov. Hermilando Mandanas kung saan binati niya ang Batangas City dahilan sa nangunguna ito sa pagpapaaral ng mga kabataan. “Binabati ko ang city government dahil sa binibigyang diin nito ang kinabukasan ng mga kabataan sa lungsod,” dagdag pa niya.
Dumalo rin si Congressman Vilma Santos ng 6th District kung saan binigyang diin niya ang halaga ng Alay lakad sa edukasyon ng mga kabataang higit na nangangailangan. “Ang pinakamahalagang investment ay ang edukasyon ng isang tao sapagkat ito ay human capital na magbibigay ng magandang buhay at kinabukasan,” dagdag pa ni Santos.
Sinabi naman ni Congressman Marvey Mariño ng 5th District na ang Alay Lakad ay pagpapatunay ng pagkakaisa ng mga mamamayan sa pagsuporta sa gawaing ito upang makatulong sa maraming out-of-school youth at iba pang kabataang nangangailangan.
Sa kasalukuyan, may 10 senior high school students, pitong persons with disabilities, 21 college students at tatlong full scholars ang beneficiaries ng Alay Lakad Foundation. Tumutulong din ang Alay Lakad sa iba pang youth development projects ng lungsod.
May 10 naggagandahang dilag naman ang lumahok sa Ms Alay Lakad 2017 kung saan nanalo si Angela Maria Acuna ng Batangas National High School at kinatawan ng Department of Education; 1st runner- up si Nieya Margarette Macatangay ng University of Batangas at 2nd runner- up si Janna Arlhiza Tumambing ng Lyceum of the Philippines University.
Dumalo rin sina Vice Governor Nas Ona, Vice Mayor Jun Beberabe, representative ni Cong. Raneo Abu na si Coun. Armando Lazarte at iba pang city councilors. (PIO Batangas City)
Latest News
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
- Nasa 51.5% ng mga kabataan sa lungsod ang aktibong nakikilahok sa mga cultural activities sa Batangas City
- May 150 pamilya sa lungsod ang nagtapos bilang benepisyaryo ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), September 11
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.