Iba’t ibang makakalikasang sayaw ipinakita ng mga estudyante

  sayaw1.jpg sayaw10.jpg sayaw11.jpg sayaw12.jpg sayaw13.jpg sayaw2.jpg sayaw3.jpg sayaw4.jpg sayaw5.jpg sayaw6.jpg sayaw7.jpg sayaw8.jpg sayaw9.jpg

BATANGAS CITY- Sa saliw ng awit na Nag-iisang Mundo ni Bayang Barros, biniygang interpretasyon ng mga dancers ng Balete National High School ang pagmamahal sa Inang Kalikasan na siyang nagpanalo sa kanila ng first place sa Paligsahan sa Makakalikasang Sayaw.

Ang patimpalak na ito na isinagawa ng City ENRO bilang bahagi ng Pista ng Kalikasan ay nilahukan ng 10 public at private secondary schools.

Nagpagalingan ang mga lumahok hindi lamang sa pagsasayaw kundi sa makakalikasang kasuotan, ganda ng pagkakasabay sabay ng galaw at linaw ng sigaw na siyang basehan sa pagpili ng mga winners. Sinabi ni Oliver Gonzales, pinuno ng CENRO, na malaking hamon sa mga Batangueño kung paano makakatulong na malabanan ang global warming subalit sa pamamagitan ng programa ng pamahalaang lungsod na maikintal sa isipan ng mga kabataan at sa publiko ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan, maganda itong simula upang matugunan ang nasabing problema.

Ayon naman kay Eduardo Borbon, vice-chairman ng Cultural Affairs Committee at isa sa mga hurado, dapat isapuso ng bawat grupong kasali sa patimpalak na ito ang pagmamalasakit at hindi pagsira sa kalikasan.

Nanalo ng 2nd place ang Tingga Soro-soro National High School at 3rd place ang Batangas National High School. (PIO Batangas City)