- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
City Hall employees lumahok sa nationwide earthquake drill
- Details
- Thursday, 29 June 2017 - 5:15:39 PM
Nagsagawa ng simultaneous earthquake drill ang City Disaster Risk Reduction and Management Council(CDRRMC) sa ibat-ibang lugar sa Batangas City na ginanap ngayong araw na ito bandang 2:00 ng hapon.
Sa City Hall, sunod sunod na lumabas ng maayos ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod kung saan sila ay naka duck, cover and hold position nang tumunog na ang sirena hudyat ng simula ng drill.
Isang 4.0 magnitude na lindol ang naging scenario dito. Binilang kaagad ng mga itinalagang focal person ng bawat opisina ang kanilang mga kasamahan at kaagad itong inireport sa Evacuation Officer. Itinayo ang Incident Command Center sa labas ng Plaza Mabini.
Makalipas ang 30 minuto, matapos siyasating mabuti ng Damage Assessment Team ang mga gusali at maisiguro ang kaligtasan ng mga empleyado, bumalik na ang mga ito sa kani-kanilang tanggapan.
Sa ulat ng Incident Commander na ginampanan sa unang pagkakataon ni Pol Supt. Norberto Delmas, walang ini report na nasaktan. Unang napaulat na may nawawalang dalawang katao subalit kaagad ding natagpuan. “Well accounted for” aniya ang 697 empleyado at kliyente ng ibat-ibang tanggapan.
Idinagdag pa ni Delmas na “very professional ang mga tao, sanay na sila kaya alam na nila ang kanilang dapat gawin.
Nagkaroon lamang ng pagkukulang sa pagsuot ng protective gear ang isang rescuer nang pumasok ito sa loob ng gusali, ayon pa rin sa kanya.
Isa namang eksena sa tunay na buhay ang nangyari ng rumesponde ang grupo sa isang bystander na sumama ang pakiramdam sa may Mini Stop. Isinakay ito sa ambulansya at dinala sa pinakamalapit na pagamutan.
Payo niya na sa actual scenario ay maging mabilis ang paglikas ng mga tao subalit huwag magpanic at sa halip ay maging kalmado sa panahon ng lindol. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.