ALS students mayroong ng sariling training center

  ALS1.jpg ALS10.jpg ALS11.jpg ALS12.jpg ALS2.jpg ALS3.jpg ALS4.jpg ALS5.jpg ALS6.jpg ALS7.jpg ALS8.jpg ALS9.jpg

Pinasinayaan ngayong araw na ito ang ang 2-storey, 8-classroom school building sa Batangas City South Elementary School kung saan ito ay magsisilbing training center para sa mga mag-aaral ng Alternative Learning System(ALS).

Pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha at DepEd Batangas City Schools Asst. Division Supt Rina Silva ang ribbon- cutting ceremony ng gusali na sinimulang gawin sa termino ni dating Mayor Eddie Dimacuha.

Ayon kay ALS Education Supervisor Nestor Alon, ang dalawang silid dito ay ALS classrooms para sa mga academic classes, apat na silid ay para sa mga pagsasanay sa cosmetology, massage at reflexology, food technology at Information Technology at ang dalawang silid naman ay gagamitin para sa dalawang klase sa mga mag-aaral sa elementarya ng South.

Sinabi ni Alon na malaki ang maiitulong ng maayos na pasilidad para mabigyan ng de kalidad na edukasyon at pagsasanay ang mga ALS students. Magpapatuloy pa rin aniya ang mga klase ng ALS sa mga paaralan sa iba’t ibang barangay.

Sa taong ito ay may humigit kumulang sa 1,500 mag-aaral ng ALS sa lungsod. (PIO BATANGAS CITY)