Honor graduates ng CLB mas madami ngayong taon

  CLB1.jpg CLB2.jpg CLB3.jpg CLB4.jpg

BATANGAS CITY-May 17 honor graduates ang Colegio ng Lungsod ng Batangas(CLB) sa 10th commencement exercises nito sa Batangas City Convention Center nitong Hunyo kung saan may 268 Iskolar ng Bayan ang nagtapos.

Lima ang magna cum laude na kinabibilangan nila Jessa Lee Pagcaliwagan Velasco , Maria Nueva Macaraig Bonus, Rosita Dimaano Ramos, Cheeny Magtaas de Guzman at Cristina Joy Paglicauan Banaag na pawang mga nagtapos sa Bachelor in Elementary Education . Ang apat na cum laude ay sina Maria Teresa Cantos Bautista, Ruffa May Anatan Flaviano, Patricia Mae Borbon Balmes na mga BEED graduates at Adel Eje Ramirez, Bachelor of Science in Business Administration graduate. Ang walong graduates naman with distinctions ay sina John Von Jovi Mendoza Villanoza (Information and Communication Technology), Marife MagtaasTabones(ICT) , Gelyn Malaluan Casimiro(BEED), Lealyn Cortes Pasia(BSBA), Noemi Garcia Perito(BEED), Jemelyn Cruz Ronquillo(BEED), Joy Dimaano Casas(BSBA) at Juvelyn Bueno Sila(BSBA).

Sa kanyang Farewell Address na ayon sa kanya ay ginawa niya sa “spoken poetry form,” pinasalamatan ni Jessa Lee P. Velasco ang CLB sa pagkakataong ibinigay sa kanila upang makapagtapos ng kolehiyo ng libre. Naging inspirasyon niya ang Diyos, kanyang mga magulang, guro, kapwa mag-aaral at mga kaibigan upang maabot ang tagumpay na ito.

Binigyang diin ni Velasco ang halaga ng sipag, tiyaga at pagsusumikap upang maabot ang pangarap. “The man at the top of the mountain did not falter. It means that he worked hard for it. He may stumble and fall, but perserverance and determination push him to finish the climb... Jesus said it will not be easy but it will be worth it.”

Nagbigay din ng Commencement Address si Atty. Dexter Jonas Lumanglas, ang bagong bar passer na professor ng CLB kung saan ikinuwento niya ang kanyang naging hirap sa kanyang pag-aaral ng law at sa bar review at kung paano siya timulungan ng kanyang mga kaibigan sa kanyang financial needs upang matustusan ang kanyang pag re review. Payo niya sa mga graduates na “mahalin ang CLB dahil minahal kayo ng CLB. “ Dapat din aniyang alalalahanin ang nagtaguyod ng naturang kolehiyo, si dating Mayor Eduardo Dimacuha na nangarap ding itayo ang kolehiyo upang matulungan ang mga mahihirap na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan. “Achieve your dreams although there will be rough roads... be grateful, gratitude is the memory of the heart... and give back,” Dumalo rin si Mayor Beverley Rose Dimacuha na patuloy na nagpapatupad ng mga reporma sa CLB upang maitaas pa ang kalidad ng edukasyon dito. Narito rin si Councilor Alyssa Renee Cruz-Atienza, member ng Board of Trustees ng kolehiyo. (PIO Batangas City)