Ilang City gov’t. Employees nagsanay sa first aid upang tumulong kung may emergency

  firstaid1.jpg firstaid2.jpg firstaid3.jpg firstaid4.jpg firstaid5.jpg firstaid6.jpg firstaid7.jpg firstaid8.jpg

BATANGAS CITY- May 18 empleyado ng pamahalaang lungsod ang sumailalim sa pagsasanay ng City Disaster Risk Reduction and Managemetn Office (CDRRMO) at ng Philippine Red Cross Batangas Chapter tungkol sa pagbibigay ng first aid upang makatulong sa panahon ng kalamidad, aksidente o anumang emergency.

Ang apat na araw na pagsasanay noong June 13-16 ay binubuo ng Standard First Aid, Cardio Pulmonary Resuscitation (CPR) at Automated External Defibrillator or (AED).

Dahilan sa mahalaga ang bawat minuto sa pagtugon kung may emergency upang makapagligtas na buhay , itinuro sa mga participants na buhat sa iba’t ibang departamento, kung ano ang unang dapat gawin bago dumating ang duktor sa mga kaso kagaya ng heart attack, cardiac arrest, airway and breathing emergencies, respiratory arrest, asthma attack, hyperventilation, bleeding and shock, open wound, burns, poisoning, head and spine injuries, bones, joints and muscle injuries, stroke, seizures at bandaging technique. (PIO Batangas City)