Donasyon mula sa Batangas City dadalhin na sa Marawi City

  marawidonation1.jpg marawidonation2.jpg marawidonation3.jpg marawidonation4.jpg marawidonation5.jpg marawidonation6.jpg marawidonation7.jpg

Mahigit na sa 100 sako ng bigas, kahon ng noodles, de lata, gamot at iba pa ang nakalap ng tanggapan nina Cong. Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha para sa mga taga-Marawi City na nakakaranas ngayon ng kaguluhan dahil sa pag-atake ng teroristang grupo. Ang mga nakalap na tulong ay nakatakdang dalhin sa Marawi City sa mga susunod na araw sa pamamagitan ng C130 plane mula sa Villamor Airbase.

Kasama sa paghahatid ng mga donasyon ang ilang miyembro ng Batangas City Muslim Community na siyang katuwang nina Cong. Mariño at Mayor Dimacuha sa proyektong ito. Patuloy pa rin sa paghingi ng tulong ang mga nabaggit na opisyal upang mas maraming kababayan sa Marawi ang mabigyan ng tulong ng sa ganun ay maibsan ang kanilang paghihirap. Bukod sa bigas at iba pang nabanggit, hinihikayat po ang mga mamamayan ng magbigay ng bottled water. Ang mga donasyon ay maaring dalhin sa tanggapan ni Cong. Mariño sa Batangas City Coliseum.

Labis ang pasasalamat ng Muslim community sa mga taga lungsod ng Batangas lalo’t higit kina Cong. Mariño at Mayor Dimacuha sa paglulunsad ng nasabing proyekto na anila ay malaking tulong sa kanilang mga pamilyang nasa evacuation centers ngayon.

Ayon kay Alejandro Deron, Chief Cultural Affairs Division, National Commission on Muslim Flipino, South Luzon Regional Office, ang Batangas City ang unang lokal na pamahalaan na naglunsad ng donation drive at maghahatid ng tulong sa mga taga Marawi City.

Ipinaabot nina Cong. Marvey Mariño, Mayor Beverley Dimacuha at Batangas City Muslim Community ang pasasalamat sa mga nagbigay ng tulong:

1.Nemar Lumber and Hardware
2.Kag. Liza Ortega
3.Pang. Mercidita Vega
4.AGP Industrial sale
5.9 AGP sales and Building Services Inc.
6.Dondon Balina
7.Gerry Fetalvero
8.Anicia Untalan
9.Ramon N. Cabello
10.Rod Fruelda
11.Hon. Claudette Ambida
12.Nain Anif
13.Jasmig Construction
14.Kon. Nelson Chavez
15.Kon. Aileen Montalbo
16.Kon. Oliver Macatangay
17.Batangas City Disaster Risk Reduction Management Office
18.Kon. Armando Lazarte
19.Former Kon. Rene Cruz
20.Carlito Go
21.Batangas Filipino Chinese chamber
22.Todos Amigos
23.Manuelito S. Ondoy
24.Kon. Glen Aldover
25.Roel Garcia
26.Triskelion Riders’ Batangas
27.Gilbert Neo
28.BOI Seaport Operation section
29.Eloisa Angela Portugal
30.Zaida M. Noche
31.Arthur R. Torres
32.Angelo M. Gasco
33.Irene M. Castillo