CHO, may libreng dental services sa mga paaralan ngayong National Dental Health Month

  CHO.jpg

May 200 grade one students sa mga pampublikong paaralan sa Batangas City ang makikinabang sa libreng pasta o pit-and- fissure sealant sa pagdiriwang ng 13thNational Dental Health Month (NDHM) ngayong buwan ng Pebrero.

Ang mga ito ay mga mag-aaral ng barangay San Miguel, Pallocan East, Banaba Center at Banaba West ayon kay Dr Lovely Cabral, Head ng Dental Division ng City Health Office (CHO).

Magsasagawa din sila ng lecture sa mga kabataan hinggil sa oral health care.

Tuwing Biyernes, mga buntis naman ang makikinabang sa libreng oral prophylaxis o linis ng ngipin.

Magkakaroon ng motorcade sa February 18 kaugnay pa din ng pagdiriwang na ito na may temang “Ngiping Inalagaan at pinagyaman, Hatid ay Ngiting di Kukupas Kailanman”. (PIO Batangas City)