1st gun safety seminar ng pamahalaang lungsod isinagawa

  1stgun1.jpg 1stgun10.jpg 1stgun11.jpg 1stgun12.jpg 1stgun2.jpg 1stgun3.jpg 1stgun4.jpg 1stgun5.jpg 1stgun6.jpg 1stgun7.jpg 1stgun8.jpg 1stgun9.jpg

BATANGAS CITY- Para kay Mayor Beverley Dimacuha, mahalaga ang maging isang responsible gun owner kaya naman isang Gun Safety Seminar ang isinagawa sa Batangas Provincial Police Office Firing Range sa Camp Miguel Malvar para sa may 54 security personnel ng Defense and Security Service(DSS), SWAT police at ilang department heads na inisyuhan ng baril ng pamahalaang lungsod

Ang seminar na ito ay alinsunod din sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ” kung saan nakasaad dito na kailangan munang sumailalim sa gun safety seminar ang isang gun owner bago makakuha ng lisensya.

Naging lecturers sina Ruel Tasico, Lamberto Baysac at Jun Yu ng Seven Lakes Gun Club ng San Pablo City, Laguna kung saan Itinuro nila ang wastong paraan ng safekeeping ng baril, tamang pag hawak at tamang pag dadala ng baril. Ayon sa kanila, kailangang itago ang baril saan mang ligtas na lalagyan na hindi basta makikita o makukuha lalo ng mga bata. Ito din ay dapat nakalagay sa holster ng baril kapag dala at hindi basta nakasuksuk sa baywang o sa tagiliran. Dapat ding ang baril ay laging naka lock at walang bala kung hindi dala.

Sinabi ni Mayor Beverly Dimacuha sa mga participants na “mahalaga ang inyong pag dalo sa seminar na ito dahil sa inyo nakasalalay ang kaligtasan ng mamayan. Ang pagdadala ng baril ay hindi para sa pansariling kapakanan lamang kung kayat kailangang maging responsable, maingat at marunong sa paggamit ng baril at gamitin ito bilang proteksyon at sa tamang paraan.”

Bukod sa mga participants, nag practice rin ng shooting si Congressman Marvey Marino na naka bull’s eye sa lahat ng target at si Mayor Beverley na tumama ang bala sa ulo ng target.

Ang mga department heads na inisyuhan ng baril ng city government at lumahok sa seminar ay ang hepe ng Department of Interior and Local Government sa lungsod na si Amor San Gabriel, OIC ng Transportation Development and Regulatory Office Engr. Francisco Beredo, DSS chief Prudencio Cepillo at security officer ng New Market na si Luis Beraña.

Dumalo rin dito sina P/SUPT Barnard Danie Dasugo, Deputy Chief of Police Oliver Ebora at Executive Assistant Edel Perez ng CMO. (PIO Batangas City)