Handog Trabaho sa mga Batangueño isinagawa ng PESO

  JobFair1.jpg JobFair2.jpg JobFair3.jpg JobFair4.jpg

Apatnapung job applicants ang hired-on the-spot para sa local employment sa idinaos na “Handog ni Mayor Beverley Dimacuha, Trabaho Para sa Mga Batangueño” job fair na idinaos noong January 21 sa Batangas City Sports Coliseum.

Mahigit sa 500 aplikante ang sumubok ng kanilang swerte sa job fair na ito kung saan may 23 local at international companies ang lumahok.

Ayon kay Public Employment Service Office (PESO) Manager, Noel Silang, ito ay una pa lamang sa limang job fairs na isinasagawa ng PESO taun taon. Ito rin aniya ay bahagi ng mga gawain sa katatapos na piyesta ng lungsod. Muling magsasagawa ng job fair sa Marso bilang bahagi ng Women’s Month celebration; Abril 29 o May 1- para sa Araw ng mga Manggagawang Pilipino;

Hunyo 12 para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, at Hulyo kaugnay ng pagdiriwang ng Batangas City Foundation Day.

Hinikayat ni Silang ang mga aplikante na magpasa rin ng kanilang bio-data o magsadya sa kanilang tanggpan anumang araw mula Lunes hanggang Biyernes, alas otso hanggang ala singko sapagkat nagsasagawa sila dito ng Local Recruitment Activity (LRA) para sa local employment at Special Recruitment Activity para sa mga trabaho sa ibang bansa. Mahalaga rin aniya na bisitahin ang kanilang PESO Facebook page para sa mga announcements kaugnay ng mga recruitment activities na isasagawa sa iba’t ibang barangay sa lungsod. (PIO Batangas City)