Learning Resource Center ng CLB, pinasinayaan

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Pinnagunahan ni Mayor Beverley Dimacuha ang pagpapasinaya sa newly renovated na silid aklatan ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB), February 20.

Ito ay tinaguriang Learning Resource Center na pakikinabangan ng 1217 mag-aaral ng naturang paaralan.
Ayon kay CLB Librarian na si Maria Isabel Alea, ang naturang aklatan ay katuparan ng kanilang pangarap para sa kanilang mga estudyante.
Ito ay mayroong makabagong aklat na nabibilang sa General Circulation, Filipiniana Section, at. References.
Mayroon din dito aniyang recreational reading materials, audio-visual materials at supplemental reading materials gaya ng mga thesis, research books at dissertations.

Bukod sa modernong pasilidad, ito ay may conference room na maaaring gamitin sa mga pagpupulong.
May 10 computer units na magagamit ang mga mag-aaral na may malakas na internet connection.

Payo ni Mayor Dimacuha sa pamunuan ng CLB na bukod sa mga mag-aaral, buksan din aniya ang aklatan sa mga magulang upang makita ng mga ito ang pagpapahalagang ibinibigay ng lokal na pamahalaan sa mga CLB scholars.

Malaking tulong aniya ang library upang mapalawak ang bokabularyo ng mga estudyante at mabigyan ng “ study space” yaong mga walang lugar upang mag-aral sa kanilang mga bahay.

Hinamon din niya ang mga guro na gumawa ng mga paraan upang mahikayat na magbasa ng aklat at bumisita sa aklatan ang kanilang mga mag-aaral.

Lubos ang pasasalamat ni CLB College Administrator Dr. Lorna Gappi sa suportang patuloy na ipinagkakaloob ni Mayor Dimacuha sa kanilang paaralan.

Nangako siya na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang patuloy ding maitaas ang antas ng kalidad ng edukasyon na kanilang ipinagkakaloob sa kanilang mga mag-aaral.

Ang Learning Resource Center ng CLB ay bukas mula Lunes hanggang Byernes mula ikapito hanggang ikaanim ng gabi at tuwing Sabado mula ikawalo hanggang ikalima ng hapon. (PIO Batangas City)