Batangas City Police Station, nagsagawa ng simulation exercise

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nagsagawa ng simulation exercises (SIMEX) at Communication Exercises (COMMEX) ang Batangas City Police Station (BCPS) kung saan isang stampede incident ang naganap sa proklamasyon ng newly elected barangay captain, October 24.

Layunin ng nasabing gawain na magkaroon ng sapat na kahandaan ang mga kapulisan sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 sa October 30.

Isang pagkakataon din ito upang maipamalas ng mga myembro ng kapulisan at ng mga force multipliers ang kanilang skills sa pagtugon sa anumang insidente o krimen.

Sa nasabing simulation exercise, nagkaroon ng kaguluhan nang magprotesta ang mga supporters ng natalong kandidato sa naging resulta ng halalan.

Nauna rito, bumuo ng Incident Command Post ang BCPS sa direktiba ni PltCol. Diana Del Rosario upang maagapan at mapigilian ang anumang kaguluhan.

Dahil dito, nagkaroon ng sugatan na agad ding narespondehan ng mga myembro ng Emergency Medical Services (EMS).

Rumesponde din ang Quick Response Team (QRT) na binubuo ng SWAT team upang mapigilan ang magulo at marahas na protesta.

Naging maagap din ang mga myembro ng Incident Management Team kabilang ang CDRRMO, CHO, BFP at Philippine Red Cross.

Lubos ang pasasalamat ng BCPS sa mga resources na ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod kung kayat mayroon silang kahandaan at matagumpay na naisagawa ang naturang gawain. (PIO Batangas City)