One Starry Christmas, inilunsad ng SM City Batangas

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Inilunsad ng SM City Batangas ang One Starry Christmas na syang tema ng kanilang Christmas centerpiece ngayong taon noong October 27.

Ayon kay SM City Batangas Mall Manager Gemina Buenaflor, ibat-ibang gawain ang kanilang inihanda tulad ng holiday bazaars, toy fairs, cinema holiday blockbusters, sales at marami pang iba upang maghatid ng saya sa mga mall goers.

Ngayong taon, special treat ang handog ng SM Supermalls sa mga Filo fans.
Ito ay ang B Pop o Bear Pop Squad na binubuo nina Bin, Eya, Ace at Rina na bahagi ng kanilang Bears of Joy program na naglalayong makapagpaligaya ng isang batang kapuspalad.

Sa bawat pagbili ng teddy bear, isang teddy bear din ang ibibigay sa isang batang higit na nangangailangan.

Higit na pinasaya ang Christmas centerpiece launch ng pagtatanghal nina Pop Stage 2020 Grand Champion CJ Villavicencio at WCOPA 2019 Finalist na si Macy Maxyne Batalao.

Ang okasyon ay dinaluhan nina Acting Vice-governor Claudette Ambida at ilang myembro ng Sangguniang Panglungsod. (PIO Batangas City)