Personal na binati ni Mayor Beverley Dimacuha ang 790 Alternative Learning System (ALS) program completers

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

TINGNI:Personal na binati ni Mayor Beverley Dimacuha ang 790 Alternative Learning System (ALS) program completers sa idinaos na graduation and moving up ceremonies ngayong araw, August 7.

Pinasalamatan niya ang mga ito sa hindi pagbitaw sa kanilang pangarap na makatapos.

Ito aniya ay isang malaking achievement dahil batid niya na maraming pagsubok ang pinagdaanan ng mga completers upang makapagtapos sa ALS program.

Hiniling niya sa mga ito na panghawakan ang pangarap at ipagpatuloy ang pag-aaral kahit may edad na.

"Nariyan ang Batangas State University, TESDA at CLB kaya walang dahilan para hindi kayo makapagkolehiyo", sabi ni Mayor.

Ipinaalaala rin ni Mayor na palaging magpapasalamat sa Diyos at alalahanin ang pamilya, mga guro at lahat ng taong nakatulong, malaki o maliit man ang naging kontribusyon sa pag abot ng kanilang pangarap.

"Nakikiusap ako na kapag nakamit ninyo ang inyong mga mithiin at maganda na ang inyong pamumuhay, manatili kayong mabuting tao, tulungan ang pamilya at ibalik ang pagmamahal sa lungsod ng Batangas", pagtatapos ni Mayor Dimacuha. (PIO Batangas City)