Dating Pangulo ng PWD Federation ng lungsod, napiling PWD Bayani Ka Awardee

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

Tumanggap ng PWD BAYANI KA AWARD 2021 ang dating Pangulo ng Batangas City Federation of Persons with Disability (PWD) na si Atty. Ben John Maralit mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) CALABARZON noong August 9.

Idinaos ang virtual awarding ng nasabing search kasabay ng pagdiriwang ng 43rd National Disability Prevention and Rehabilitation Week. Nakamit ni Atty. Maralit ang titulo dahil sa kanyang husay sa kanyang propesyon na pinatunayan ng mga nakuha niyang local, national, regional awards at recognitions. Naging mabuti din syang huwaran sa kanyang pamilya at komunidad, may respeto sa mga kapwa may kapansanan at katulong sa pagsusulong ng mga programa para sa kapakanan ng mga PWD's. Pinangunahan niya ang pagbubuo ng Articles of Incorporation and By-Laws ng nasabing pederasyon.

Patuloy siyang naglilingkod dito bilang ex-officio member at consultant. Nagbibigay rin si Atty. Maralit ng libreng legal services sa mga PWDs at sa mga higit na nangangailangang mamamayan na inire-refer ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Ayon kay CSWD Officer, Mila Española si Atty. Maralit ay pinili ng CSWDO at inendorso ni Mayor Beverley Dimacuha na kumatawan sa lungsod sa PWD BAYANI KA AWARD provincial search na kanyang pinagwagian kung kaya’t sya ay awtomatikong naging kalahok sa regional level ng kumpetisyon. (PIO Batangas City)