Senior high students nagpagalingan sa 2nd Patimpalak sa Makabagong Panunula

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

Isinagawa sa ikalawang pagkakataon ang Patimpalak sa Makabagong Panunula 2019 na may temang “Kapayapaan sa Mata ng Kabataan” kung saan may 15 senior high school students mula sa public at private schools sa Batangas City ang lumahok sa SM Event Center noong August 28.

Ayon kay Bokal Claudette Ambida na syang vice –chairman ng Committee on Tourism ng Sangguniang Panlalawigan, layunin ng nasabing kompetisyon na magkaroon ng aktibong pakikilahok ang mga kabataan at mapalaganap at mapagyaman ang paggamit ng wikang Filipino lalo na ngayong ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika.

Ito ay joint project ng tanggapan ni Board member Claudette Ambida, Provincial Government, Provincial Tourism Office, SM City Batangas at ng JCI Batangas Caballero na ang thrust ay “Peace is Possible”.

Ang makabagong panunula o spoken word poetry ay isang tula na ginawa o isinulat para itanghal sa harap ng mga tao na ginagamitan ng word play at intonasyon upang ipahayag ang saloobin at pumukaw ng atensyon.

Ang pyesa ng mga kalahok ay orihinal at sarili nilang likha.
Tinanghal na kampeon si Clarisse Perillo ng Golden Gate Colleges. Siya ay tumanggap ng trophy, cash prize na P7,000 at gift certificate mula sa SM City Batangas. Nanalo ng 2nd place si James Andrei Villajuan ng Alangilan SHS, 3rd si Moira Matthew Aclan ng Saint Bridget College at 4th naman si Nicolle Ann Catral ng Conde Labac Integrated School.

Naging batayan sa pagpili ng mga nagwagi ang mensahe/nilalaman, pagtatanghal, memorya at linaw at ganda ng boses o pagsasalita.

Natatanging bilang ang spoken poetry ng Batanguenong semi-finalist ng Pilipinas Got Talent na si Antonio Bathan Jr. na isa din sa mga hurado ng kompetisyon.