- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
CHO nagdaos ng TB Congress
- Details
- Thursday, 29 August 2019 - 9:14:00 AM
BATANGAS CITY- Nagdaos ng TB Congress ang City Health Office (CHO), August 27, kung saan may 30 batang pasyente nila na may edad apat hanggang walong taog gulang at ang kanilang mga magulang ang lumahok.
Ito ay bahagi ng Lung Month celebration ngayong Agosto na may temang “ End TB Now Na!”
Ang mga participants ay mga nagamot na sa tuberculosis ng CHO o sumasailalim pa ng gamutan sa pamamagitan ng TB DOTS o Directly Observe Treatment Short Course program.
Ang treatment program ng CHO ay tumatagal ng anim hanggang walong buwan kung saan libre ang gamot at minomonitor ng staff ang kondisyon ng pasyente hanggang siya ay gumaling.
Ayon kay Vivian Hernandez, National Tuberculosis Program (NTP) nurse coordinator ng Batangas Provincial Health Office, sa pamamagitan ng gawaing ito, madadagdagan ang kaalaman ng mga magulang sa sakit na ito at mabibigyan nila ng sapat na pangangalaga ang kanilang mga anak upang maiwasan ang TB.
Ipinaliwanag ng guest speaker sa symposium na si Camille Salazar, asst. NTP medtech coordinator ng Region 4-A Calabarzon, hindi dapat balewalain ang ganitong sakit sapagkat ito ay madaling makahawa subalit nagagamot at naiiwasan. “Kapag nakaramdam ng symptoms tulad ng lagnat, ubo, mahirap huminga, nanghihina at bumabagsak ang pangangatawan, agad na komunsulta sa doctor,” dagdag pa niya.
Sinabi rin niya na hindi namamana ang TB kundi ito ay dulot ng bacteria na palutang lutang sa hangin at pwedeng makaapekto sa mga taong mahina ang resistensya kung saan ang tinatamaan ay baga. Upang maiwasan ito, kailangang kumain ng masustansyang pagkain, mag ehersisyo, maging malinis sa kapaligiran at magkaroon ng magandang bentilasyon o maalwang pagpasok ng sariwang hangin sa tahanan.
Pagkatapos ng symposium, nagkaroon ng draw and tell contest sa mga bata kung saan ang mga nanalo ay tumanggap ng medals at cash prize.
Layunin ng CHO na mahanap at magamot ang mga may tuberculosis upang masugpo ito at maging TB-free ang lungsod. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.