EBD Team nag oath-taking sa barangay Ilijan

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nanumpa sa panunungkulan sina 5th District Congressman Marvey Mariño, Mayor Beverley Rose Dimacuha at mga city councilors na bumubuo ng EBD Team sa baybaying barangay ng Iijan, June 28, kung saan 17-0 nanalo ang buong team noong May midterm elections. Ito ay ginanap sa multi-purpose sports complex.

Nanumpa si Mayor Beverley sa harap ng pangulo ng barangay Mabacong na si Ana Antido habang si Congressman Mariño naman ay nanumpa sa harap ng pangulo ng Association of Barangay Captains at bayaw na si Pangulong Dondon Dimacuha.

Nanumpa naman kay Mayor Beverley sina Vice Mayor June Berberabe at Councilors Alyssa Renee Cruz, Aileen Montalbo, Nestor Dimacuha, Karlos Buted, Gerry dela Roca, Oliver Macatangay, Nelson Chavez, Julian Villena, Julian Pastor, Ched Atienza, Aleta Lazarte at Junjun Gamboa.

Ang Ilijan ay nabibilang sa mga barangay na tinatawag na Solid Baybay kung saan pinakamadaming boto ang ibinigay nila mula pa ng panahon ni dating Mayor Eduardo Dimacuha na siyang bumuo ng EBD Team.

Sa kanyang talumpati, binigyang kasagutan ni Mayor Dimacuha ang katanungang bakit sa malayong lugar ng Ilijan piniling idaos ang oath- taking nila ganoong pwede naman ito sa nakagawian ng venue kagaya ng sports coliseum o Batangas City Convention Center.

Ayon sa kanya, napagdesisyunan ng kanilang pamiilya na idaos ang oath- taking ng EBD Team sa Ilijan bilang pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat sa mga mamamayan sa baybaying dagat na lubos ang pagtitiwala at suporta sa kanila.

Binanggit ng Mayor ang isang kasabihan na “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan” kung kayat ang makasaysayang kaganapang ito sa Ilijan ay isang pagpapatoo sa kasabihang ito. Isa rin aniya itong pagbibigay ng parangal kay Mayor Eddie na isang anak ng baybaying barangay.

Sinabi rin niya na si Mayor Pedro Tolentino na siyang nanguna sa pagsusulong upang maging isang lungsod ang Batangas ay anak ng Ilijan kung kayat sa ika 50 anibersaryo ng Batangas City, binibigyang pugay ang mga nagawa ni Mayor Tolentino na nagbigay daan sa ibayong kaunlaran ng lungsod.

Binanggit ni Mayor Beverley ang kanyang magiging agenda sa kanyang oag-upo sa ikalawang termino ng kanyang paninilbihan kagaya ng paglulunsad ng Mobile City Hall upang lalong mailapit ang pamahalaan sa mga mamamayan; pagtutuunan ng pansin ang public at socialized housing kung saan prayoirdad ang mga taong nakatira sa mga high-risk areas; ibayong pagpapatupad ng EBD scholarship sapagkat ang edukasyon ay tulay sa magandang buhay.
“Ngayong Agosto po ay magkakaloob ng mga bagong kurso sa CLB upang higit pang makatulong sa mga mahihirap na estudyante kagaya ng Bachelor of Science in Accountancy at Bachelor of Technology and Livelihood Education,” sabi ng Mayor.

Bibigyan din ng allowance ang mga CLB students at dadagdagan ang allowance ng mga EBD scholars. Taon taon ay mabibigyan ng school supplies ang mga public elementary students.

Prayoridad pa rin aniya ang EBD healthcard kung saan dadagdagan angt allocation para sa dialysis services at ang hospitals at health units na accredited ng health card.
Sa sports development, ang mga proyekto ay ang completion ng Grand Stand at sports complex at rehabilitation ng sports coliseum.

Ilan pa sa mga proyekto ang completion ng public market at development ng Isla Verde, Mt. Banoy, Haligue Silangan at Calumpang River bilang tourist attractions.

Pagtutuunan din ng pansin ang good governance kung saan ang unang executive order na gagawin niya ay ang creation ng Internal Audit Service na binubuo ng mga empleyadong may kanya kanyang expertise upang maayos ang gawain ng tanggapan ng pamahalaang lungsod.

Maglalagay din ng suggestion box sa harap ng Mayor’s Office upang maiparating ang mga bagay na dapat matugunan ng kinauukulan.

Nagtanghal ang Dangal ng Lungsod ng Batangas Chorale at ang Bambino Strings ng Casa Del Bambino Emmanuel Montessori School.