City Engineer’s Office may bago ng gusali

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Taong 1971 ng itayo ang dating opisina ng City Engineer’s Office (CEO) sa barangay Kumintang Ibaba. Ngayon, April 30, 2019, pinasinayaan ang kanilang bagong gusali na akma sa makabagong panahon at sa isang patuloy na umuunlad na lungsod.

Sinabi ni Mayor Beverley Dimacuha na nagagalak siya sapagkat isa ring katuparan ng dream project ng kaniyang ama na si dating Mayor Eduardo Dimacuha ang pagpapatayo ng bagong gusali ng CEO.

“Naway magsilbing inspirasyon itong gusaling ito para mas lalo pang ganahan ang bawat empleyado na pumasok at maglingkod sa pamahalaan. Hiling ko din na mas maging matibay at matatag ang kanilang samahan .”

Kasama ni Mayor Beverley si Cong. Marvey Mariño at iba pang oisyales ng lungsod sa inagurasyong ito.

Nagkaroon ng unveiling ng marker at pagkatapos nito, nagpasalamat si City Engineer Adela Hernandez kay Mayor Beverley sa pagpapatupad ng proyektong ito.

Ang two-storey building ay mayroong 10 kwarto para sa walong divisions, para sa department head at assistant department head . Mayroon din itong isang conference room. (Jeanette L. Reyes – OJT PIO Batangas City)