High-risk persons sumailalim sa TB mass screening ng CHO

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

Nagsagawa ng Tuberculosis mass screening ang City Health Office (CHO) sa may 200 katao na nabibilang sa high-risk groups. March 27, sa Teachers Conference Center kung saan sila ay sumailalim sa libreng chest x- ray upang patuloy na ma identify ang mga may sakit nito at mabigyan ng libreng treatment na tumatagal ng halos anim na buwan.

Ito ay bahagi ng National Tuberculosis Program kung saan nakikipagtulungan ang Deparment of Health Region IV-A sa CHO upang magamot ang mga pasyente at maiwasan ang TB na karaniwan ay itinatago o ikinahihiya dahilan sa stigma na dulot nito..

Kabilang dito ang mga matatanda, mga diabetic, hypertensive, mga tricycle drivers na nagsisigarilyo, exposed sa usok at iba pang air pollution, at kasama sa bahay ng mga TB patients.

Ayon sa 2017 report ng CHO, ang mga barangay na may mataas na kaso ng TB ay ang Libjo, Calicanto, Balete Relocation, Kumintang Ibaba, Balete Proper, Wawa, Gulod Labac,

Masigasig ang CHO na ipagpatuloy ang High Case Notification Rate at Treatment Success Rate sa TB.