CLB at partner lumagda sa MOA para sa career growth ng mga guro

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Pumasok ang Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) sa isang memorandum of agreement (MOA) sa Arczone Professional Development Inc. kung saan magsasagawa ng mga seminars at trainings ang huli sa CLB para sa professional advancement ng mga guro, na kailangan sa renewal ng kanilang lisensya alinsunod sa Republic Act 10912 o “Continuing Professional Development (CPD) Act of 2016.

Ang MOA ay nilagdaan sa pagitan nina Mayor Beverley Rose Dimacuha, chairman ng Board of Trustees (BOT) ng CLB, College Administrator/BOT Vice-Chairman Dr Lorna Gappi at si Arczone Professional Development Inc. President Dr Arceli Amarles at VP Dr Gina Lontoc. Ang MOA ay tatagal sa loob ng isang taon.

Isang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang Panlungsod na sumasangayon sa pagpasok ni Mayor Dimacuha sa kasunduang ito.

Hindi lamang mga guro ng CLB kundi ibang mga guro ng public at private schools sa Batangas City ang pwedeng maka avail ng mga seminars at trainings na ito ng hindi na nila kailangan pang pumunta sa ibang lugar.

“Pag nagseminar ka sa ibang lugar, siyempre interesado ka sa makikita mo sa lugar kaya hindi ka masyadong makapag focus sa seminar. Kung dito sa atin, mas makaka focus tayo sa seminar. Menos gastos pa at mas maalwan,” sabi ni Dr. Gappi.

Pagkakataon din aniya ito na mapalago ang turismo sa lungsod sa pagpunta rito ng mga participants buhat sa ibang lugar. Binigyang diin ni Mayor Dimacuha sa kanyang mensahe na ang nasabing kasunduan ay isang strategic collaboration sa pagitan ng government at private sector. “Malaki ang maitutulong ng partnership na ito upang maitaas ang antas ng professional competence, matuturuan ng mga bagong teaching techniques at method ang mga guro at ma po promote ang learning, personal development and academic performance.”

Ayon kay Dr Gappi, napili nila ang Arczone na maging partner sapagkat ito ay CPD provider at accredited ng Civil Service Commission (CSC) at ng Professional Regulation Commission (PRC). Ang CLB ang magsisilbing venue ng mga pagsasanay at mag-iimbita ng mga participants sa mga isasagawang seminars.

Ilan sa mga pagsasanay na ipinagkakaloob ng Arczone ay ang English language proficiency, career guidance, personality development, corporate training programs, exam preparation programs, offshore education & training services, youth camp, team building at iba pa.

Ipinaabot ni Dr Gappi ang kanyang taos pusong pasasalamat kay Mayor Dimacuha sa aniya ay katuparan ng naturang “momentous event” gayundin sa patuloy na suporta sa kanila ng pamahalaang lungsod.

Saksi sa MOA signing at Partnership launching sina VP for Academics Affair Dr Feliciana Adarlo, VP for Research, Extenion, Planning & Development Dr Doringer Cabrera. Dumalo din sina Councilors Armando Lazarte, Nitoy Pastor at Julian Villena na pinagkalooban ng plaque of appreciation dahil sa suportang ipinagkakaloob nila sa nasabing institusyon. (PIO Batangas City)