Batangas Provincial Police nag outreach program sa barangay

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

BATANGAS CITY- Mahigit na 200 residente ng barangay Wawa ang nakinabang sa isinagawang “Agapay Kabayan Program” ng Batangas Provincial Police Office (BPPO) kung saan ibat’t ibang serbisyo ang kanilang ipinagkaloob.

Nagsagawa sila ng medical at dental mission kasama na ang pamimigay ng libreng gamot, feeding sa mga bata at circumcision. Nagkaloob din sila ng legal assistance.

Sinabi ni PS/Supt. Edwin Quilates, BPPO director, na ang proyektong ito ay naisagawa sa pakikipagtulungan ng barangay Wawa at mga ahensiyang sumusuporta sa BPPO sa pagkalinga sa mga taga Batangas.

“Nag conduct ako ng ganitong dental-medical mission at feeding program upang makapagbigay ng direktang serbisyo sa mga mamayan, nagkataon lang na aking kaarawan ngayon kaya isinabay ko na ang pagkakataon ito kesa mag handa ako ng magarbong handaan ay ito na lang kasi nais ko i share ang ating blessing sa mga less fortunate,” sabi ni Quilates. (PIO Batangas City)